Paano i-convert ang iyong maliit na balanse sa account sa BNB
Binance
2020-12-29 10:13
1. Para magsimula, mag-hover sa [Wallet] at mag-click sa [Fiat at Spot]. Hanapin ang button na [I-convert sa BNB] para tingnan kung aling mga asset mula sa iyong account ang puwedeng ma-convert sa BNB.
2. Suriin ang mga asset na gusto mong i-convert sa BNB, at mag-click sa [Mag-convert].
3. Puwede kang mag-click sa [Kasaysayan ng Pag-convert] para mahanap ang iyong kasaysayan ng pag-convert.
PAALALA:
  • Puwede kang mag-convert ng maraming asset hangga't gusto mo sa isang pag-convert.
  • Ang mga token na hindi nakalista o tinanggal sa pagkakalista ay hindi kabilang sa pag-convert.
  • Puwede kang gumawa ng isang pag-convert ng maliit na balanse tuwing 6 na oras.
  • Tandaan lang na ang value ng pag-convert na iminungkahi ng system ay isang pagtatantya. Ang napiling halaga ay iko-convert sa BNB ayon sa market price sa oras ng pag-click na kumukumpirma sa pag-convert.
  • Kung mayroong 5% (o higit pang) pagbabago sa panahon ng pag-convert, para sa kapakinabangan ng aming mga user, ang proseso ng pag-convert ay hindi magpapatuloy. Sa kasong iyon, subukan ulit para muling simulan ang proseso.
Kung nagtataka ka kung bakit mayroon kang dust sa iyong wallet, tingnan ang aming artikulo tungkol sa mga pag-atake ng dust.