Paano gamitin ang withdrawal address whitelist function

Binance
2021-01-13 09:03
When you enable withdrawal address whitelist function, your account can only withdraw to the addresses in the whitelist. Kapag na enable mo ang withdrawal address whitelist function, maaari lamang mag-withdraw ang iyong account sa mga address sa whitelist.
Ang mga pangunahing instruction sa paggamit ng function ay ang mga sumusunod:
-Paano i-on ang withdrawal address whitelist function
-Paano magdagdag ng withdrawal address sa whitelist
-Paano tanggalin ang naka whitelist na address
-Paano tanggalin ang favorite address
-Paano i-off ang withdrawal address whitelist function

Paano i-on ang withdrawal address whitelist function

1. Pumunta sa Homepage [Wallet]-[Spot Wallet].
2. I-click ang [Withdraw], at i-click ang [Address Management] sa kanang bahagi upang magpatuloy sa susunod na hakbang.
Maaari mo ring i-click ang [Security] sa user center upang mapuntahan ang [Address Management]
3. Matapos puntahan ang [Address Management], i-click ang button sa kanang bahagi para i-enable withdrawal address whitelist function
Mangyaring bigyang pansin: kapag naka enable ang withdrawal address whitelist function, magagawa lamang ng iyong account na maka withdraw sa mga naka-whitelist na mga withdrawal address. Kapag naka-off ang function na ito, makakapag-withdraw ang iyong account sa anumang withdrawal address.
4. Kapag nag-click ka sa button na ito, magkakaroon ng pop up na abiso, maaari mong i-click ang [Turn on] upang i-enable ang function na ito.
5. Kailangan ipasa mo ang security verification: mangyaring i-enter ang mga kinakailangang code at i-click ang [Submit]
6. Matapos ang security verification, ipinapakita nito ang [Whitelist on]. Pagkatapos, maaari ka nang magsimulang magdagdag ng iyong withdrawal address.
Tandaan: Matapos na i-on ang withdrawal address whitelist function, kapag nais mong mag withdraw ng anumang crypto, kailangan mong idagdag muna ang naturang withdrawal address sa whitelist, kung hindi, hindi ka maaaring makapag withdraw.

Paano magdagdag ng withdrawal address sa whitelist

1. I-click ang [Add Withdrawal Address] upang simulan ang proseso.
2. Mangyaring bigyang pansin ang sumusunod na 5 puntos sa dagdag ng withdrawal address.
1) Piliin ang crypto ng withdrawal address
2) Kung may iba’t ibang mga network, mangyaring piliin ang kaukulang network
3) Maaari ka ring magbigay ng isang label sa withdrawak address, tulad ng pangalanan ito batay sa kaukulang platform, pangalan ng wallet atbp na maaaring makatulong na madaling mahanap ang address sa hinaharap
4) I-copy at paste ang withdraw address sa [Address] column
5) Kapag ito ay crypto na may tag, kinakailangan mong punan ang kaukulang [Tag]
Matapos na makumpleto, i-click ang [Add to Whitelist], at pagkatapos ay i-click ang [Submit] upang magpatuloy sa susunod na hakbang.
3. Kailangan ipasa mo ang security verification:
  • I-click ang [Get code] at i-enter ang lahat ng kinakailangang mga code.
  • Para sa kaligtasan ng account, ang phone verification code at email verification code ay magiging mabisa lamang sa loob ng 30 minuto. Mangyaring suriin at ilagay ang naaangkop na mga code sa oras.
Bago i-enter ang mga code, mangyaring suriin mabuti ang crypto at address. Kung ang operasyong ito ay hindi ginawa ng iyong sarili, mangyaring i-disable ang iyong account at makipag-ugnay sa aming support team.
4. I-enter ang security verification code sa loob ng ibinigay na oras, at i-click ang [Submit], pagkatapos ay isang dilaw na bituin ang ipapakita na magsasaad na ang address na ito ay matagumpay na naidagdag sa whitelist.

Paano tanggalin ang naka whitelist na address

1. Upang maalis ang isang address mula sa whitelist, hanapin muna ang kaukulang address sa [Address Management], at pagkatapos ay i-click ang dilaw na bituin.
Tandaan: kapag ang address na ito ay inalis mula sa whitelist, na ang whitelist function ay naka enable, ang iyong account ay hindi makakapag withdraw sa address na ito.
2. I-click ang [Remove] upang tanggalin ang address na ito ss whitelist.

Paano tanggalin ang favorite address

1. Find the corresponding address in [Address Management] and click [Delete]. Hanapin ang kaukulang address sa [Address Management] at i-click ang [Delete].
2. Click [Delete] and this address will be deleted from [Address Management], you may add it again when you need it in the future.

Paano i-off ang withdrawal address whitelist function

1. Upang ma-off ang withdrawal address whitelist function, i-click ang button sa kanang bahagi ng [Address Management].
2. Matapos i-off ang whitelist function, ang iyong account ay makakapag withdraw sa anumang withdrawal address, na maaaring magdulot sa mas malaking risk. Kung sigurado kang isara ito, kung gayon ay i-click ang [Turn off].
3. Kailangan ipasa mo ang security verification:
  • I-click ang [Get code] at i-enter ang lahat ng kinakailangang mga code.
  • Para sa kaligtasan ng account, ang phone verification code at email verification code ay magiging mabisa lamang sa loob ng 30 minuto. Mangyaring suriin at ilagay ang naaangkop na mga code sa oras.
Kung ang operasyong ito ay hindi ginawa ng iyong sarili, mangyaring i-disable ang iyong account at makipag-ugnay sa aming support team.
4. I-enter ang security verification code sa loob ng ibinigay na oras, at i-click ang [Submit], ang button sa kanang sulok sa itaas ay magiging kulay grey, na ipinapahiwatig nito na [Whitelist Off].
May katanungan ka pa ba? submit a request