Ano ang Puwede Kong Gawin kung Nakapag-withdraw Ako Papunta sa Maling Address

Binance
2021-01-13 09:05
Kung hindi mo sinasadyang makapag-withdraw ng mga pondo papunta sa maling address, hindi mahahanap ng Binance ang tumanggap ng iyong mga pondo at hindi ito makakapagbigay sa iyo ng anumang karagdagang tulong. Ito ay dahil sinisimulan kaagad ng aming system ang proseso ng pag-withdraw sa sandaling mag-click ka sa [Isumite] pagkatapos makumpleto ang pag-verify sa seguridad.
Paano ko mababawi ang mga pondong na-withdraw papunta sa maling address?
  • Kung hindi mo sinasadyang maipadala ang iyong mga asset papunta sa isang maling address at kilala mo ang may-ari ng address na ito, makipag-ugnayan nang direkta sa may-ari.
  • Kung naipadala ang mga asset mo papunta sa isang maling address na nasa ibang platform, makipag-ugnayan sa suporta sa customer ng platform na iyon para sa tulong.
  • Kung nalimutan mong magsulat ng Tag/Memo para sa pag-withdraw, makipag-ugnayan sa suporta sa customer ng naturang platform at ibigay sa kanila ang TxID ng iyong pag-withdraw.
  • Kung hindi mo sinasadyang makapagpadala ng mga BEP20 token sa mga wallet na hindi tugma sa BSC, sumangguni sa artikulong ito.