Paano Baguhin ang Email ng Account

Binance
2020-12-30 02:39
Kung gusto mong baguhin ang email na nakarehistro sa iyong account sa Binance, sundin ang sunod-sunod na gabay sa ibaba.
Pagka-log in sa iyong account sa Binance, i-click ang [Profile] - [Seguridad].
I-click ang [Baguhin] sa tabi ng [Email Address]. Puwede mo rin itong i-access nang direkta mula rito.
Para mabago ang iyong nakarehistrong email address, na-enable mo na dapat ang Google Authentication at SMS Authentication (2FA).
Tandaan na pagkatapos palitan ang iyong email address, madi-disable nang 48 oras ang mga pag-withdraw mula sa account mo para sa seguridad.
Kung gusto mong magpatuloy, i-click ang [Susunod].

Kung naa-access mo ang iyong orihinal na email:

1. Kailangan mong i-verify ang iyong orihinal na email address. I-click ang [I-click para kumuha ng code] at ilagay ang code na ipinadala sa email mo.
2. Ilagay ang iyong bagong email address at password. Tandaan na hindi dapat nakarehistro sa anumang account sa Binance ang bagong email address.
3. Kailangan mong i-verify ang iyong bagong email. I-click ang [I-click para kumuha ng code] at ilagay ang code na ipinadala sa bagong email mo.
Kakailanganin mo ring i-verify ang pagkilos na ito sa pamamagitan ng pag-verify gamit ang 2FA.
4. Matagumpay nang nabago ang email mo. Mag-sign in gamit ang bagong email address.

Kung hindi mo naa-access ang iyong orihinal na email:

1. I-click ang [Hindi available ang pag-verify ng seguridad?].
2. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng iyong email address at i-click ang [Kumpirmahin ang pag-reset]. Pagkatapos, ipo-prompt kang ilagay ang code sa pag-verify mula sa iba mo pang available na 2FA device para kumpirmahin.
*Tandaan na posibleng ma-disable nang 48 oras ang iyong mga pag-withdraw batay sa mga detalye ng kahilingan mo.
3. Ilagay ang iyong bagong email address. Tandaan na hindi dapat nakarehistro sa anumang account sa Binance ang bagong email address.
I-click ang [Magpadala ng Code] at ilagay ang code na ipinadala sa bagong email mo. I-click ang [I-reset Ngayon].
4. Pagkatapos makumpleto ang pag-verify, baka magpasagot sa iyo ng ilang panseguridad na tanong at/o magpa-verify sa iyo gamit ang mukha para mas makumpirma ang pagkakakilanlan mo batay sa antas ng Pag-verify sa Pagkakakilanlan ng iyong account.
I-click ang [Umpisahan ang pagsagot sa mga tanong] at sundin ang mga tagubilin para makumpleto ito.
5. Kung nakumpleto na dati ng iyong account ang Intermediate na pag-verify, kakailanganin mong kumumpleto ng pag-verify gamit ang mukha. Buksan ang iyong Binance App para i-scan ang QR code para kumpletuhin ito sa mobile mo, o i-click ang [Gamitin ang PC para mag-verify] sa iyong PC.
6. Huwag magsuot ng sumbrero, salamin, o gumamit ng mga filter sa proseso ng pag-verify gamit ang mukha. Siguraduhin ding sapat ang liwanag. I-click ang [Magpatuloy] kapag handa ka na.
7. Kapag matagumpay ka nang na-verify, puwede mo nang isara ang Binance App at i-click ang [Nakumpleto ko na ito sa aking telepono] sa iyong PC.

8. Matagumpay nang naisumite ang iyong kahilingan sa seguridad. Maging matiyaga sa paghihintay at susuriin namin ito sa lalong madaling panahon.

Kung hindi mo ma-access ang iyong account:

1. Ilagay ang email at password ng iyong account, pagkatapos ay i-click ang [Mag-log In].
2. I-click ang [Hindi available ang pag-verify ng seguridad?].
3. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng [Hindi available ang (iyong email address) at gusto kong baguhin ang aking email address.] at i-click ang [Kumpirmahin ang pag-reset].
Puwede mo ring i-reset ang iyong mga device para sa pag-verify ng seguridad dito, gaya ng Google/SMS verification, kung hindi available ang mga iyon.
4. Ilagay ang iyong bagong email address. Tandaan na hindi dapat nakarehistro sa anumang account sa Binance ang bagong email address.
I-click ang [Magpadala ng Code] at ilagay ang code na ipinadala sa bagong email mo. I-click ang [I-reset Ngayon].
5. Pagkatapos makumpleto ang pag-verify, baka magpasagot sa iyo ng ilang panseguridad na tanong at/o magpa-verify sa iyo gamit ang mukha para mas makumpirma ang pagkakakilanlan mo batay sa antas ng Pag-verify sa Pagkakakilanlan ng iyong account.
I-click ang [Umpisahan ang pagsagot sa mga tanong] at sundin ang mga tagubilin para makumpleto ito.
6. Kung nakumpleto na dati ng iyong account ang Intermediate na pag-verify, kakailanganin mong kumumpleto ng pag-verify gamit ang mukha. Buksan ang iyong Binance App para i-scan ang QR code para kumpletuhin ito sa mobile mo, o i-click ang [Gamitin ang PC para mag-verify] sa iyong PC.
7. Huwag magsuot ng sumbrero, salamin, o gumamit ng mga filter sa proseso ng pag-verify gamit ang mukha. Siguraduhin ding sapat ang liwanag. I-click ang [Magpatuloy] kapag handa ka na.
8. Kapag matagumpay ka nang na-verify, puwede mo nang isara ang Binance App at i-click ang [Nakumpleto ko na ito sa aking telepono] sa iyong PC.

9. Matagumpay nang naisumite ang iyong kahilingan sa seguridad. Maging matiyaga sa paghihintay at susuriin namin ito sa lalong madaling panahon.