Paano Magdeposito ng Crypto sa Binance

Binance
2021-01-13 08:45
Kung may pag-aari kang cryptocurrency sa ibang platform o wallet, puwede mong ilipat ang mga ito sa iyong Binance Wallet para i-trade.
Paano ko makikita ang aking address ng deposito sa Binance?
Ang mga cryptocurrency ay idinedeposito sa pamamagitan ng "address ng deposito". Para makita ang address ng deposito ng iyong Binance Wallet, pumunta sa [Wallet] - [Pangkalahatang Ideya] - [Magdeposito]. Pagkatapos, kopyahin at i-paste ang address sa platform o wallet kung saan ka magwi-withdraw para ilipat ang mga ito sa iyong Binance Wallet.
Sunod-sunod na tutorial
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya].
2. I-click ang [Magdeposito] at makakakita ka ng isang pop-up na window.
3.I-click ang [Magdeposito ng Crypto].
4. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ideposito, gaya ng USDT.
5. Pagkatapos, piliin ang network ng deposito. Tiyaking kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo.
Kung maling network ang mapipili mo, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
Buod ng pagpili ng network:
  • Ang BEP2 ay tumutukoy sa Binance Chain.
  • Ang BEP20 ay tumutukoy sa Binance Smart Chain (BSC).
  • Ang ERC20 ay tumutukoy sa Ethereum network.
  • Ang TRC20 ay tumutukoy sa TRON network.
  • Ang BTC ay tumutukoy sa Bitcoin network.
  • Ang BTC (SegWit) ay tumutukoy sa Native Segwit (bech32), at nagsisimula ang address sa “bc1.” Pinapayagan ang mga user na i-withdraw o ipadala ang kanilang mga hawak na Bitcoin sa mga SegWit (bech32) address. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa Tungkol sa Segregated Witness (SegWit).
6. Sa halimbawang ito, magwi-withdraw tayo ng USDT mula sa ibang platform at idedeposito ito sa Binance. Dahil magwi-withdraw tayo mula sa isang ERC20 address (blockchain ng Ethereum), pipiliin namin ang network ng deposito ng ERC20.
  • Ang pagpili ng network ay nakadepende sa mga opsyong ibinigay ng panlabas na wallet/palitan kung saan mo ginagawa ang pag-withdraw.
  • Kung ang panlabas na platform ay sumusuporta lang sa ERC20, kailangan mong piliin ang network ng deposito ng ERC20.
  • HUWAG piliin ang may pinakamurang opsyon ng bayad. Piliin ang isa na tugma sa panlabas na platform.
  • Halimbawa, puwede ka lang magpadala ng ERC20 token sa isa pang ERC20 address, at puwede ka lang magpadala ng BSC token sa isa pang BSC address. Kung pipiliin mo ang mga hindi tugma/naiibang network ng deposito, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
7. Mag-click para kopyahin ang address ng deposito ng iyong Binance Wallet at i-paste ito sa puwang ng address sa platform kung saan mo gustong mag-withdraw ng crypto.
8. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, tatagal nang kaunti bago makumpirma ang transaksyon. Ang tagal ng kumpirmasyon ay nag-iiba depende sa blockchain at sa kasalukuyang trapiko ng network.
Pakiusap, maghintay nang matiyaga para maproseso ang paglilipat. Ang pondo ay make-credit sa iyong account sa Binance pagkatapos.
9. Puwede mong tingnan ang status ng iyong deposito mula sa [Kasaysayan ng Transaksyon], kasama ang iba pang impormasyon tungkol sa iyong mga kamakailang transaksyon.
Mga Madalas na Itanong
1. Ano ang tag/memo at bakit ko ito kailangang ilagay kapag nagdedeposito ng crypto?
Ang tag o memo ay isang natatanging identifier na nakatalaga sa bawat account para sa pagtukoy ng deposito at pag-credit sa tamang account. Kapag nagdedeposito ng ilang partikular na crypto, gaya ng BNB, XEM, XLM, XRP, KAVA, LUNA, ATOM, BAND, EOS, atbp., kailangan mong ilagay ang katumbas na tag o memo para matagumpay itong ma-credit.
1. Gaano katagal bago dumating ang aking mga pondo? Ano ang bayad sa transaksyon?
Pagkatapos kumpirmahin ang iyong kahilingan sa Binance, tatagal nang kaunti bago makumpirma ang transaksyon sa blockchain. Ang tagal ng kumpirmasyon ay nag-iiba depende sa blockchain at sa kasalukuyang trapiko ng network nito.
Halimbawa, kung nagdedeposito ka ng USDT, sinusuportahan ng Binance ang mga network ng ERC20, BEP2, at TRC20. Puwede mong piliin ang gusto mong network mula sa platform kung saan ka nagwi-withdraw, ilagay ang halagang gusto mong i-withdraw, at makikita mo ang kaugnay na bayarin sa transaksyon.
Pakiusap, maghintay nang matiyaga para maproseso ang paglilipat. Make-credit ang mga pondo sa iyong account sa Binance sa ilang sandali pagkatapos makumpirma ng network ang transaksyon.
*Kung mali ang address ng deposito na inilagay mo o hindi suportado ang pinili mong network, mawawala ang iyong mga pondo. Suriing mabuti bago kumpirmahin ang transaksyon.
3. Paano ko makikita ang kasaysayan ng aking transaksyon?
Puwede mong makita ang status ng iyong pagdeposito o pag-withdraw mula sa [Wallet] -[Pangkalahatang-ideya]- [Kasaysayan ng Transaksyon]].
Kung gumagamit ka ng App, pumunta sa [Mga Wallet] - [Pangkalahatang-ideya] at i-tap ang icon ng [Kasaysayan ng Transaksyon] sa kanan.
Kung hindi ka pa nagmamay-ari ng anumang cryptocurrency, puwede mong i-click ang [Bumili ng Crypto] para bumili mula sa P2P trading.
Para sa higit pang impormasyon kung paano bumili ng crypto, sumangguni sa: