Paano I-reset ang Google Authentication
Binance
2020-12-29 02:32
Kung ang iyong Google Authenticator ay gumagana ng normal, maaari mong i-manual na i-disable ang iyong Google 2FA sa pamamagitan ng pag log in sa iyong Binance account at pag punta sa [Security] tab at pagkatapos ay i-click ang [Disable] button na katabi ng Google Authentication option.
Kung nawalan ka na ng access sa iyong Google Authenticator app o huminto ito sa paggana, maaari mong i-reset ang iyong Google Authentication sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba:
Mag-navigate sa pahina ng pag-login sa Binance at mag-log in gamit ang iyong email address at password sa Binance account. Sa [Security verification] page, i-click ang [Security verification unavailable] upang magpatuloy sa susunod na hakbang.
Mangyaring piliin ang security item na hindi na gumagana at i-click ang [Confirm reset] upang pumunta sa susunod na hakbang.
I-enter ang kinakailangang verification code at i-click ang [submit].
Tandaan: Mangyaring i-check ang Email verification code sa iyong email box, at ito magiging mabisa lamang sa loob ng 30 minuto.
Matapos i-click, sundin ang mga tagubilin sa page para kumpletuhin ang sumusunod na verifications:
Pagsagot sa Security Questions:
ID verification:
I-click ang【Next Step】 upang simulan ang verification.
  • Piliin ang bansa ng pagkakaloob ng iyong ID at ang uri ng ID:
  • I-upload ang harap na bahagi ng iyong ID document.
  • I-upload ang likod na bahagi ng iyong ID document.
  • Kumuha ng litrato ng iyong sarili na malinaw na nakikita ang iyong mukha (hindi kami tumatanggap ng mga screenshot o na-edit na larawan).
Facial verification:
I-click ang [Begin Verification] upang ipagpatuloy ang proseso sa PC browser o maari mong ituro ang iyong mouse sa [Use mobile phone] para maka kuha ng QR code, pagkatapos ay I-scan ang QR code gamit ang opisyal na Binance app sa iyong mobile device.
Para sa Android:
I-open ang Binance mobile app at i-tap ang scan icon sa kaliwang sulok sa itaas sa home page ng app o pumunta sa 【Account】 → 【Scan】
Para sa iOS:
I-open ang Binance app at mag navigate sa 【Home】section at i-tap ang 【Scan】 button o i-tap ang scan symbol sa kanang sulok sa itaas ng home page.
Our team will review your application as soon as possible once you have completed the facial verification. Susuriin ng aming team ang iyong application sa lalong madaling panahon sa sandaling makumpleto mo ang facial verification.
* Ang iba`t ibang mga user ay magdadaan sa magkakaibang operasyon batay sa katayuan ng account at kaugnay na impormasyon.