Paano Gamitin ang Programa ng Referral ng Binance

Binance
2020-12-29 02:26
Nagbibigay-daan sa iyo ang Programa ng Referral ng Binance na mag-imbita ng mga kaibigan at kumita ng hanggang 40% komisyon sa tuwing magte-trade ang mga kaibigan mo sa Binance. Puwede kang kumita ng komisyon sa merkado ng Spot at Futures. Alamin kung paano makuha ang referral bonus sa Spot sa sunod-sunod na gabay sa ibaba.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Profile] - [Referral]. Puwede mo rin itong i-access mula rito.
2. Dito, makikita mo ang iyong referral ID at link ng referral. I-click ang [+ Buuin ang iyong link] para i-customize ang porsyento ng referral.
3. Piliin ang rate ng komisyon sa referral sa spot. 20% ang default na rate ng referral sa spot, ibig sabihin, makukuha mo ang 20% ng bayarin sa pag-trade sa spot na babayaran ng mga ire-refer mong kaibigan.
Tandaan na ang mga account na may pang-araw-araw na average na balanse sa account na 500 BNB o higit pa ay puwedeng makakuha ng 40% komisyon sa referral sa spot, habang ang mga account na may pang-araw-araw na average na balanse sa account na mas mababa sa 500 BNB ay puwedeng makakuha ng 20% komisyon sa referral sa spot.
Puwede ka ring magdagdag ng tala para sa link, at puwede mo itong itakda bilang iyong default na rate. I-click ang [Buuin ang iyong link].
4. Pagkatapos i-customize ang rate ng komisyon at rate ng kickback sa komisyon, i-click ang icon na [Kopyahin] sa tabi ng iyong referral ID o link ng referral para imbitahan ang mga kaibigan mo.
Puwede mo ring i-click ang [Mag-imbita Ngayon] para ibahagi ang iyong QR code ng referral. Puwede mong i-download ang larawan sa iba't ibang laki, o i-click ang iba't ibang icon ng social media para ibahagi ito nang direkta.
5. Kapag nakapagrehistro na ang mga kaibigan mo sa Binance at nakapagsimula na silang mag-trade, magsisimulang makalkula ang mga komisyon sa referral nang real-time at ililipat ang mga ito sa mga kaukulang account sa Binance oras-oras.
6. Puwede mong tingnan ang mga detalye ng iyong mga referral sa pamamagitan ng pag-navigate sa iba't ibang tab mula sa menu sa itaas.
Mga Tala
  • Puwede kang bumuo ng mga kaukulang link ng referral at code ng referral para sa Spot sa pamamagitan nito, at para sa Futures sa pamamagitan nito.
  • Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Programa ng Referral, bisitahin ang FAQ Tungkol sa Programa ng Referral. Para kumita ng komisyon sa Spot at Futures kapag nagre-refer ng kaibigan, kakailanganin mong siguraduhin na nakapagbukas ka muna ng Futures account. Kung magre-refer ka ng kaibigan gamit ang iyong link ng referral sa Spot, pero hindi ka pa nakakapagbukas ng Futures account, kikita ka lang ng komisyon sa bayarin niya sa pag-trade sa Spot.
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang baguhin ang mga panuntunan ng programa ng referral anumang oras.