Gabay sa Google 2FA

Binance
2020-12-29 03:17
Paano I-enable ang Google 2FA
Mag-log in sa iyong account sa Binance.
2. Sa kanang itaas na menu, pumunta sa [Seguridad].
3. Hanapin ang seksyong Google Authentication at i-click ang [I-enable].
4. Ire-redirect ka sa isa pang page para simulan ang proseso ng pag-enable ng Google 2FA Authentication.
5. I-download at i-install ang Google Authenticator App sa iyong mobile device. Makikita mo ito sa App Store (para sa iOS) o Google Play (para sa Android).
6. Kapag na-install mo na ang App, mag-click sa [Susunod].
7. Buksan ang mobile App at mag-click sa【+】na simbolo.
8. I-scan ang QR Code gamit ang iyong mobile camera.
Kung hindi mo ito ma-scan, puwede mong manu-manong ilagay ang 16-digit key na ibinigay.
9. I-save ang Backup na key.
Tiyaking i-save ang 16-digit key. Puwede mo itong gamitin sa ibang pagkakataon para i-rebind ang iyong account kung sakaling mawalan ka ng access sa iyong nakaraang Google Authenticator.
10. I-enable ang Google Authenticator
Sa pagbalik sa page ng Binance, kakailanganin mong ilagay ang iyong password sa pag-log in at ang Google Authentication code.
Kung na-enable mo na ang SMS Authentication, kailangan mo ring ibigay ang SMS code.
FAQ Tungkol sa Google 2FA
Paano ko malulutas ang isyu ng "nabigo ang pag-bind"?
  • Tiyaking ang "Google Authenticator" App ay naka-install.
  • I-synchronize ang oras sa iyong mobile phone at computer.
  • Tiyaking tama ang password at 2FA code.
  • Tiyaking nakatakda sa "awtomatiko" ang setting ng petsa/oras sa iyong mobile phone.
Puwede kang sumangguni sa mga sumusunod na screenshot para baguhin ang mga seting sa iyong telepono.
  • iOS
  • Android
Nawalan ako ng access sa dati kong na-install na Google Authenticator App. Paano ko ito mae-enable ulit?
Kung mayroon kang backup ng 16-digit code na binuo noong in-enable mo ang Google Authenticator sa unang pagkakataon, puwede mong i-enable ulit ang iyong Google Authenticator sa pamamagitan ng pagdaragdag ng key sa App nang manu-mano.
Kung hindi mo naman naitago ang backup key, puwede mong i-reset ang Google Authenticator (2FA) nang direkta sa aming website. Sumangguni sa sumusunod na reference link para sa Paano Mag-reset ng Google 2FA.
Ano ang gagawin ko kung ipinapakita ng page ang "2FA code error"?
  • I-synchronize ang oras sa iyong mobile phone (para i-synchronize ang iyong Google Authenticator App) at ang iyong computer (kung saan mo sinusubukang mag-log in).
  • Mag-browse sa page ng pag-log in ng Binance (www.binance.com) gamit ang incognito mode sa Google Chrome web browser.
  • I-clear ang iyong browser cache at cookies.
  • Subukang mag-log in mula sa aming nakalaang mobile App.
Kung wala sa aming mga mungkahi ang nakalutas sa iyong problema, dapat mong i-reset ang iyong Google Authenticator. Tingnan ang gabay na ito para sa higit pang impormasyon: