Susuportahan ng Binance ang Programa ng Airdrop ng Neutrino Token (NSBT) para sa Mga May Hawak ng Waves (WAVES)

Binance
2021-02-11 12:25
Mga Kapwa Binancian,
Susuportahan ng Binance ang Programa ng Airdrop ng Neutrino Token (NSBT) para sa mga may hawak ng Waves (WAVES). Ang snapshot para sa airdrop ay magaganap sa 2021-02-10 0:00 AM (UTC).
  • Sususpindihin ang mga pagdeposito at pag-withdraw ng WAVES simula 2021-02-09 10:00 PM (UTC). Tandaan na hindi maaapektuhan ang pag-trade ng WAVES sa panahon ng airdrop.
  • Ang mga pagdeposito at pag-withdraw ay bubuksan ulit pagkatapos makumpleto ang snapshot.
  • Ang Binance ay magpapamahagi ng NSBT token sa bawat user batay sa formula gaya ng sumusunod:
    • Mga NSBT na na-claim ni user A = (Halaga ng WAVES na hawak ni user A sa oras ng snapshot / Kabuuang halaga ng WAVES na hawak ng palitan sa oras ng snapshot) * Kabuuang halaga ng airdrop ng NSBT (5,000 NSBT)
Tandaan:
  • Ang mga WAVES token na nakabinbin ang pagdeposito o pag-withdraw sa oras ng mga snapshot ay hindi ibibilang sa iyong balanse sa WAVES.
  • Hindi kwalipikadong makatanggap ng airdrop ang mga may balanse sa WAVES na mas mababa sa 10 WAVES (kabilang ang nasa mga order ng pag-trade).
  • Isasama sa mga snapshot ang mga balanse sa WAVES sa mga Spot wallet, Margin, Savings, at mga Staking account, pero hindi kasama ang USDT-Margined Futures wallet. Hindi isasama ang mga hindi naipamahaging pagbabayad ng interes sa WAVES.
  • Ang WAVES na hiniram mula sa mga Margin account o pautang sa Crypto, o WAVES na inilipat sa mga Spot wallet mula sa mga account na ito ay hindi magiging kwalipikado para sa airdrop.
  • Para sa pag-trade at paglilista ng NSBT sa Binance, dadaan ang NSBT sa parehong mahigpit na proseso ng pagsusuri sa paglilista na ginagawa ng Binance para sa anumang iba pang coin/token. Hindi ginagarantiyahan ng pagsuporta sa airdrop na ito ang pagkakalista ng NSBT. Hindi ginagarantiyahan ng Binance ang anumang paglilista alinsunod sa panloob nitong patakaran.
  • Ipapamahagi ng Binance ang mga NSBT token pagkatapos makumpleto ng proyekto ang pamamahagi ng NSBT token sa mga palitan. Magpo-post kami ng karagdagang anunsyo kapag nakumpleto na ang pamamahagi sa mga user ng Binance.
  • Ang mga tao at entity mula sa Estados Unidos at mga pinaghihigpitang bansa ay hindi kwalipikadong makatanggap ng airdrop na ito. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano maisasagawa ang airdrop ng mga NSBT token sa mga may hawak ng WAVES, sumangguni sa: I-claim ang iyong mga NSBT token!
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-02-05
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa