Dual na Pamumuhunan (Ika-42 Yugto) - Kumita ng Hanggang 56% APY

Binance
2021-05-13 02:55
Mga Kapwa Binancian,
Nasasabik kaming ilunsad ang ika-42 yugto ng mga produkto ng Dual na Pamumuhunan. Mamuhunan sa mga produkto ng Dual na Pamumuhunan at makakuha ng higit na mas mataas na rate ng interes na hanggang 56% APY. Magsisimula ang subskripsyon sa 2021-05-12 (UTC). Nag-aalok kami ng mas malawak na flexibility sa mga tuntunin ng strike price, APY, at mga araw ng pagdeposito.
  • Panahon ng Subskripsyon: 2021-05-12 4:00 AM (UTC) - 2021-05-13 4:00 AM (UTC)
  • Format ng Subskripsyon: First-come, first-served.
Mga Detalye ng Produkto ng Dual na Pamumuhunan (Mag-subscribe ngayon)
Currency
Tagal
Taunang Rate ng Interes
Ref. Strike Price (USD)
Limitasyon
Petsa ng Paghahatid
BTC
8 Araw
40%
$62,000
150 BTC
2021-05-21
BTC
15 Araw
10%
$69,000
150 BTC
2021-05-28
BTC
29 na Araw
15%
$69,000
150 BTC
2021-06-11
Mga target na user: Mga user na may hindi ginagamit na BTC at may pananaw na ang presyo ng BTC ay hindi tataas nang higit sa reference strike price bago ang petsa ng paghahatid, o gustong gawing BUSD ang BTC sa strike price
Currency
Tagal
Taunang Rate ng Interes
Ref. Strike Price (USD)
Limitasyon
Petsa ng Paghahatid
USDT
8 Araw
56%
$54,000
3,000,000 USDT
2021-05-21
USDT
15 Araw
26%
$52,000
3,000,000 USDT
2021-05-28
USDT
29 na Araw
33%
$54,000
3,000,000 USDT
2021-06-11
BUSD
8 Araw
56%
$54,000
3,000,000 BUSD
2021-05-21
BUSD
15 Araw
26%
$52,000
3,000,000 BUSD
2021-05-28
BUSD
29 na Araw
33%
$54,000
3,000,000 BUSD
2021-06-11
Mga target na user: Mga user na may hindi ginagamit na BUSD o USDT at may pananaw na ang presyo ng BTC ay hindi bababa nang mas mababa sa reference strike price bago ang petsa ng paghahatid, o gustong gawing BTC ang BUSD o USDT sa strike price
Sa petsa ng paghahatid, ang currency ng kabayaran ay nakasalalay sa kung nasaan ang spot price ng BTC kumpara sa reference strike price.
Pagkalkula ng Mga Kita:
Sitwasyon 1)
Bibili ang isang user ng isang share ng isang produkto ng Dual na Pamumuhunan na nagkakahalaga ng 2 BTC sa strike price na $X at APY na Y%.
  • Kung ang spot price ng BTC sa petsa ng paghahatid ay MAS MABABA kaysa sa strike price, makakatanggap ang user ng BTC. Makakatanggap ang user ng 2 * (1 + Y% / 365 * mga araw ng pagdeposito) BTC.
  • Kung ang spot price ng BTC sa petsa ng paghahatid ay MAS MATAAS kaysa sa strike price, makakatanggap ang user ng BUSD. Makakatanggap ang user ng 2 * X * (1 + Y% / 365 * mga araw ng pagdeposito) BUSD.
Sitwasyon 2)
Bibili ang isang user ng isang share ng isang produkto ng Dual na Pamumuhunan na nagkakahalaga ng 1,000 BUSD sa strike price na $X at APY na Y%.
  • Kung ang spot price ng BTC sa petsa ng paghahatid ay MAS MABABA kaysa sa strike price, makakatanggap ang user ng BTC. Makakatanggap ang user ng (1,000 / X) * (1 + Y% / 365 * mga araw ng pagdeposito) BTC.
  • Kung ang spot price ng BTC sa petsa ng paghahatid ay MAS MATAAS kaysa sa strike price, makakatanggap ang user ng BUSD. Makakatanggap ang user ng 1,000 * X * (1 + Y% / 365 * mga araw ng pagdeposito) BUSD.
Tandaan:
  • Ang pagpapakilala sa Dual na Pamumuhunan, glossary, at detalyadong pagkalkula ay matatagpuan dito: Dual na Pamumuhunan ng Binance.
  • Ang Ref. Strike Price ay hindi ang pangwakas na strike price at ibinibigay ito para sa sanggunian lang. Ang pangwakas na strike price ay puwedeng isaayos ayon sa mga pagbabago sa spot price sa oras ng pagsasara ng subskripsyon. Ang kasalukuyang reference Spot Price = $57,000. Ipapakita ang pangwakas na strike price sa Mga Order ng Dual Currency.
  • Puwedeng tingnan ng mga user ang kanilang mga asset ng Dual na Pamumuhunan sa pamamagitan ng pagpunta sa kanang sulok sa itaas at pag-click sa Mga Order > Mga Order ng Dual Currency.
  • Ang paraan ng pagkalkula ng settlement price ay batay sa isang index ng mga presyo ng BTC sa iba't ibang palitan. Ang oras ng settlement ay 8:00 AM (UTC) sa araw ng pag-expire ng produkto.
  • Petsa ng Paghahatid: Tumutukoy sa petsa na magtatapos ang produkto ng Dual na Pamumuhunan. Sa petsang ito, ang mga pondong inilaan mo para sa isang produkto ng Dual na Pamumuhunan ay awtomatikong ibabalik sa iyong Spot wallet, kasama ang interes.
  • Currency ng Settlement: Tumutukoy sa currency ng pagbabayad, na tinutukoy batay sa maximum na principal return sa petsa ng paghahatid. Nakasalalay ang partikular na currency ng settlement sa pagkakaiba ng strike price at settlement price sa petsa ng paghahatid.
  • Oras ng Settlement: Ang mga pondo ay karaniwang dumarating sa spot account sa loob ng 48 oras kapag nag-expire ang mga produkto ng Dual na Pamumuhunan.
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-05-12
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.