Inilista ng Binance ang Frax Share (FXS) sa Innovation Zone
Binance
2021-02-22 09:02
Mga Kapwa Binancian,
Inilista ng Binance ang Frax Share (FXS) sa Innovation Zone at binuksan namin ang pag-trade para sa mga pares sa pag-trade na FXS/BTC at FXS/BUSD noong 2021-02-18 9:00 AM (UTC). Puwede na ngayong magsimula ang mga user na magdeposito ng FXS bilang paghahanda sa pag-trade.
Ano ang Frax Share (FXS)?
Ang Frax ay isang fractional algorithmic stablecoin na bahagyang sinusuportahan ng collateral at bahagyang pinapatatag ng algorithm. Ang Frax Share token (FXS) ay hindi stable na token ng pamamahala ng Frax protocol na nagbibigay sa mga may hawak nito ng mga karapatan sa pamamahala para magdagdag/magbago ng mga collateral pool, magtakda ng bayarin sa pag-mint/pag-redeem, at baguhin ang rate ng pag-refresh ng ratio ng collateralization.
Paalala:
Ang Innovation Zone ay isang nakalaang zone sa pag-trade kung saan makakapag-trade ang mga user ng mga bago at inobatibong token na malamang na magkaroon ng mas matinding volatility at magdulot ng mas mataas na panganib kaysa sa ibang token.
Bago makapag-trade sa Innovation Zone, kinakailangang bisitahin ng lahat ng user ang web na bersyon ng page ng pag-trade ng Innovation Zone para basahin nang mabuti ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance at kumpletuhin ang isang questionnaire bilang bahagi ng Inisyal na Disclaimer. Tandaan na walang anumang paghihigpit sa pag-trade sa mga pares sa pag-trade sa Innovation Zone.
Ang FXS ay isang medyo bagong token na may mas mataas sa normal na panganib, at dahil dito, malamang na mapailalim ito sa matinding pagbabago-bago ng presyo. Tiyaking mayroon kang sapat na pamamahala sa panganib, na gumawa ka ng sariling pananaliksik hinggil sa mga pangunahing kaalaman sa FXS, at ganap mong nauunawaan ang proyekto bago mo piliing mag-trade.
Bayad sa FXS Listing: 0 BNB.
Mga Detalye:
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-02-18
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa