Opisyal na Inilunsad ng Binance Pool ang Ethereum Mining Pool, Tangkilikin ang Pool nang Walang Bayad para sa Unang Buwan!

Binance
2020-11-16 03:41
Mga Kapwa Binancian,
Opisyal na inilunsad ng Binance Pool ang Ethereum mining pool noong Nobyembre 12, 2020 (UTC) nang 12:00 AM. Ang aming Binance Ethereum mining pool ay gumagamit ng pamamaraan ng pagmimina ng FPPS at naniningil lang ng 0.5% bayad sa pool para sa pagmimina ng Ethereum. Nag-deploy ang Binance Pool ng mga node ng pagmimina sa buong mundo para suportahan ang pakikilahok mula sa pandaigdigang komunidad ng pagmimina.
Mula Nobyembre 12, 12:00 AM hanggang Disyembre 12, 12:00 AM (UTC), ang lahat ng user ay makakakuha ng 0% rate ng bayad sa pool para sa pagmimina ng Ethereum sa pamamagitan ng pagkonekta ng kanilang Ethereum hash power sa Binance Pool.
Puwedeng mag-aplay ang mga pangunahing kliyente para sa mga VIP account ng Binance Pool. Huwag mag-atubiling magpadala ng email sa poolvip@binance.com para sa aplikasyon para maging VIP.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagmimina ng Binance Pool Ethereum, basahin ang Tutorial sa Pagmimina ng Binance Ethereum.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2020/11/12
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa