Tatanggalin ng Binance sa Listahan ang Insolar (INS) sa 2020/09/11

Binance
2020-09-07 13:04
Mga Kapwa Binancian,
Sa Binance, pana-panahon naming sinusuri ang bawat digital na asset na nakalista sa amin para matiyak na patuloy itong nakakatugon sa mataas na antas ng pamantayan na inaasahan namin. Kapag ang isang coin o token ay hindi na nakakatugon sa pamantayang ito o nagbago ang industriya, nagsasagawa kami ng isang mas malalim na pagsusuri at potensyal na tanggalin ito sa listahan. Naniniwala kaming ito ang pinakamahusay na paraan para protektahan ang lahat ng aming user.
Batay sa aming mga pinakahuling pagsusuri, napagpasyahan naming tanggalin sa listahan at itigil ang pag-trade sa lahat ng pares sa pag-trade ng Insolar (INS) sa 2020/09/11 4:00 AM (UTC).
Kabilang sa mga pangunahing dahilan sa pagtanggal ng INS sa listahan ay:
● Pagka-dilute ng mga kasalukuyang may hawak ng INS token na may mas mababang porsyento ng pagmamay-ari ng kabuuang suplay ng token kapag nag-swap sa XNS (mainnet token ng Insolar).
● Hindi boluntaryong pag-lock up at pag-vest ng mga token kapag nag-swap ang mga may hawak ng INS token sa mga XNS token.
● Lubhang pagbaba ng umiikot na suplay ng mga XNS token kapag nag-swap mula sa mga INS token dahil sa karagdagang lockup at pag-vest kapag nag-swap.
● Sumangguni sa sumusunod para sa higit pang detalye, gaya ng inanunsyo ng team ng Insolar: Na-update at pinabuting mga tuntunin ng pag-swap mula sa INS papunta sa XNS
Tandaan:
● Ang eksaktong mga pares sa pag-trade na tinanggal ay: INS/BTC.
● Ang lahat ng order ng pag-trade ay awtomatikong tatanggalin pagkatapos tumigil ang pag-trade sa kani-kanilang pares sa pag-trade.
● Para matingnan ang iyong mga asset pagkatapos na tumigil ang pag-trade, tiyaking hindi mo napili ang "Itago ang maliliit na asset" sa iyong page ng Mga Pondo.
● Ang mga pag-withdraw ng INS mula sa Binance ay patuloy na susuportahan hanggang sa 2020/12/11 nang 4:00 AM (UTC).
Nagpapasalamat kami sa iyong suporta habang patuloy naming pinapaunlad ang ecosystem ng crypto sa isang paraan na nagtataguyod ng transparency at pangmatagalan at napapanatiling paglago.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2020/09/04
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa