Nakumpleto na ang Hard Fork ng Bitcoin Cash (BCH). Nakumpleto na ng Binance ang Pamamahagi at Inilista ang Bitcoin Cash ABC (BCHA) sa Innovation Zone

Binance
2020-11-20 03:56
Mga Kapwa Binancian,
Ang hard fork ng Bitcoin Cash (BCH) ay nakumpleto na sa taas ng BCH block na 661648, na nagkaroon ng chain split na nagresulta sa isang bagong forked coin mula sa chain ng minorya sa Bitcoin Cash ABC (BCHA).
Nakatanggap ang kliyente ng Bitcoin Cash Node (BCHN) ng matinding suporta mula sa mga minero ng BCH na humantong sa hard fork at dahil dito, makukuha nito ang pangalang Bitcoin Cash (BCH), ang makasaysayang BCH trading k-line data at gayundin ang mga kasalukuyang pares sa pag-trade ng BCH.
Naibalik na ngayon ang mga pagdeposito at pag-withdraw ng BCH.
Ang forked coin mula sa chain ng minorya, ang Bitcoin Cash ABC (BCHA), ay naipamahagi na rin sa lahat ng user ng Binance batay sa isang snapshot ng lahat ng balanse sa BCH ng user noong 2020/11/15 12:00 PM (UTC), sa ratio na 1 BCH = 1 BCHA. Makikita ng mga user ang kanilang BCHA sa seksyon ng Kasaysayan ng Pamamahagi ng kanilang user dashboard.
Inilista din ng Binance ang Bitcoin Cash ABC (BCHA) sa Innovation Zone at binuksan namin ang pag-trade para sa pares sa pag-trade na BCHA/BUSD nang 2020/11/18 11:00 AM (UTC).
Tandaan na ang mga pagdeposito at pag-withdraw ng BCHA ay kasalukuyang suspendido. Patuloy naming susubaybayan ang network ng BCHA at bubuksan ang mga pagdeposito at pag-withdraw sa sandaling makita namin na ang network ay ligtas at matatag.
Bayad sa BCHA Listing: 0 BNB.
Paalala:
  • Ang Innovation Zone ay isang nakalaang zone sa pag-trade kung saan makakapag-trade ang mga user ng mga bago at inobatibong token na malamang na magkaroon ng mas matinding pagbabago-bago at magdulot ng mas mataas na panganib kaysa sa ibang token.
  • Bago makapag-trade sa Innovation Zone, kinakailangang bisitahin ng lahat ng user ang web na bersyon ng page ng pag-trade ng Innovation Zone para basahin nang mabuti ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance at kumpletuhin ang isang questionnaire bilang bahagi ng Paunang Disclaimer. Tandaan na walang anumang paghihigpit sa pag-trade sa mga pares sa pag-trade sa Innovation Zone.
  • Ang BCHA ay isang medyo bagong token na may mas mataas sa normal na panganib, at dahil dito, malamang na mapailalim ito sa matinding pagbabago-bago ng presyo. Tiyaking mayroon kang sapat na pamamahala sa panganib, na gumawa ka ng sariling pananaliksik hinggil sa mga pangunahing kaalaman sa BCHA, at ganap mong nauunawaan ang proyekto bago mo piliing mag-trade.
Tandaan:
  • Ang BCH sa mga sub-account ay pinagsama-sama at ibinilang sa pagkalkula ng mga hawak na BCH sa mga master account. Ipinamahagi lang ang BCHA sa mga master account.
  • Para tingnan ang iyong mga balanse sa BCHA, tiyaking hindi mo na-tick ang "Itago ang maliliit na balanse" sa iyong page ng wallet.
Mga Detalye:
Babala sa Panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2020/11/18
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa