Inilista ng Binance ang UniLend (UFT) sa Innovation Zone

Binance
2021-02-24 13:19
Mga Kapwa Binancian,
Inilista ng Binance ang UniLend (UFT) sa Innovation Zone at binuksan namin ang pag-trade para sa mga pares sa pag-trade na UTF/ETH at UTF/BUSD noong 2021-02-23 9:00 AM (UTC). Puwede na ngayong magsimula ang mga user na magdeposito ng UTF bilang paghahanda sa pag-trade.
Ano ang UniLend (UFT)?
Ang UniLend ay isang protocol ng DeFi na hindi na nangangailangan ng pahintulot na pinagsasama ang mga serbisyo sa pag-trade at mga merkado ng pera sa pagpapahiram at mga serbisyo sa pamamagitan ng mga smart contract. Sabay na ine-enable ng UniLend ang anumang ERC-20 token na magagamit bilang collateral para sa pagpapahiram at paghiram habang binibigyan ang mga user ng kakayahang i-trade rin ang kanilang mga asset na nasa platform. Ang mga user ay puwedeng kumita ng bayarin nang naaayon sa kanilang stake sa liquidity pool sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity.
Paalala:
Ang Innovation Zone ay isang nakalaang zone sa pag-trade kung saan makakapag-trade ang mga user ng mga bago at inobatibong token na malamang na magkaroon ng mas matinding volatility at magdulot ng mas mataas na panganib kaysa sa ibang token.
Bago makapag-trade sa Innovation Zone, kinakailangang bisitahin ng lahat ng user ang web na bersyon ng page ng pag-trade ng Innovation Zone para basahin nang mabuti ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance at kumpletuhin ang isang questionnaire bilang bahagi ng Inisyal na Disclaimer. Tandaan na walang anumang paghihigpit sa pag-trade sa mga pares sa pag-trade sa Innovation Zone.
Ang UFT ay isang medyo bagong token na may mas mataas sa normal na panganib, at dahil dito, malamang na mapapailalim ito sa matinding pagbabago-bago ng presyo. Tiyaking mayroon kang sapat na pamamahala sa panganib, na gumawa ka ng sariling pananaliksik hinggil sa mga pangunahing kaalaman sa UFT, at ganap mong nauunawaan ang proyekto bago mo piliing mag-trade.
Bayad sa UFT Listing: 0 BNB.
Mga Detalye:
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-02-23
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa