Pinahaba ng Binance ang Programa ng Pag-imbita ng VIP hanggang sa 2021-10-31

Binance
2021-05-11 06:15
Mga Kapwa Binancian,
Ikinagagalak ng Binance na ipahayag na pahahabain namin ang Programa ng Pag-imbita ng VIP hanggang sa 2021-10-31 23:59 (UTC). Ipakita sa amin ang iyong mga dami ng pag-trade sa mga kakumpitensyang palitan at bibigyan ka namin, sa loob ng dalawang buwan, ng tier ng VIP na mas mataas nang isang antas kaysa sa matatanggap mo kung na-trade mo ang dami na ito sa Binance.
Panahon ng Promosyon: 2021-05-10 00:00 (UTC) - 2021-10-31 23:59 (UTC)
Paano Mag-apply:
Mag-email sa vip@binance.com kasama ang mga detalye (hal. mga screenshot o isang maikling video) ng iyong mga dami ng pag-trade sa loob ng 30 araw sa mga kakumpitensyang palitan. Kung kwalipikado ka, makikipag-ugnayan kaagad sa iyo ang isang Key Account Manager ng Binance para sa mga susunod na hakbang.
Detalyadong Iskedyul ng Bayad:
Detalyadong Mga Tuntunin:
  • Batay sa dami ng iyong pag-trade sa mga kakumpitensyang palitan, titingnan namin kung saang VIP tier ka magiging kwalipikado kung nag-trade ka ng halagang ito sa Binance.
  • Para maging kwalipikado, ang iyong mga dami ng pag-trade sa nakaraang 30 araw sa mga kakumpitensyang palitan ay dapat na katumbas ng o mas mataas sa 50 BTC sa spot o 250 BTC sa futures. Hihilingin rin sa iyo na magpakita ng patunay ng dami ng iyong pag-trade.
  • Bibigyan ka ng VIP tier na mas mataas nang isang antas kaysa sa kung saan kwalipikado ang iyong mga dami ng pag-trade.
    • Halimbawa, kung ang iyong 30 araw na dami sa futures sa loob ng 30 araw sa isa pang palitan ay 225,000 BTC, na katumbas ng VIP 7 sa Binance Futures, puwede kang agad na maging VIP 8 sa unang 2 buwan sa pamamagitan ng promosyon na Programa ng Pag-imbita ng VIP.
    • O kung ang iyong 30 araw na dami sa spot ay 81,000 BTC, na katumbas ng VIP 8 batay sa dami sa Binance spot, bibigyan ka namin ng VIP 9 sa loob ng 2 buwan.
  • Binibigyang-daan ng iyong VIP tier na makakuha ka ng mga diskwento sa bayad at iba pang mga benepisyo sa buong ecosystem ng Binance, ito man ay Spot, Futures, o Margin trading. Sumangguni sa aming page ng Sakop ng Key Account para sa higit pang detalye.
  • Matapos ang dalawang buwang yugto, ang iyong VIP tier ay babaguhin depende sa iyong aktwal na dami ng pag-trade sa Binance alinsunod sa mga kinakailangan ng VIP tier.
  • Puwedeng mag-apply ang bawat account para sa promosyong ito nang isang beses at dapat itong na-verify ng KYC.
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-05-10
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.