Magdaragdag ang Binance P2P ng mga bagong kinakailangan sa pag-post ng mga ad

Binance
2021-04-05 03:32
Mga Kapwa Binancian,
Para mapahusay ang karanasan sa pag-trade sa P2P, nagdagdag ang Binance ng mga bagong kinakailangan para sa pagpo-post ng mga user ng kanilang mga ad sa pag-trade sa platform ng peer-to-peer trading.
Sa inilapat na mga bagong kinakailangan, ang mga sumusunod na user ay puwedeng mag-post ng mga P2P ad para bumili ng crypto:
Uri ng user
Mga Kinakailangan
Mga P2P merchant
Na-verify ng team ng Binance P2P
Mga user (Mga hindi merchant)
Dapat matugunan ng mga user ang lahat ng sumusunod na kinakailangan:
  • Oras ng pagrehistro >= 30 araw
  • Kumpletuhin ang pag-verify sa pagkakakilanlan at SMS authentication
  • Bilang ng mga nakumpletong P2P order >= 10
  • Rate ng pagkumpleto ng P2P order sa loob ng 30 araw >= 80%
Mga Tala:
  • Sa merkado ng CNY, ang mga na-verify na merchant lang ang makakapag-post ng mga ad sa pag-trade;
  • Nalalapat lang ang mga bagong kinakailangan kapag nag-post ang mga user ng mga ad para bumili ng crypto (ipinapakita sa zone ng pagbebenta ng crypto);
  • Ang mga nakumpletong P2P order ay tumutukoy sa mga P2P order na ang status ay ipinapakita bilang "Nakumpleto";
  • Rate ng pagkumpleto ng order sa loob ng 30 araw = 1 - kabuuang bilang ng mga nakanselang order ng pagbili sa nakaraang 30 araw / kabuuang bilang ng mga nakumpletong order sa nakaraang 30 araw;
  • Posibleng hindi makapag-post ng mga ad sa pag-trade ang mga user dahil sa pagbagsak ng kanilang rate ng pagkumpleto ng order sa loob ng 30 araw.
Para sa higit pang impormasyon:
Disclaimer: Nasa sarili mong pananagutan ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng Binance P2P at lahat ng impormasyon at iba pang nilalaman (kasama na ang mula sa mga third party) na kasama sa o maa-access mula sa mga serbisyo ng Binance P2P. Ang responsibilidad lang namin ay ang pamahalaan ang iyong transaksyon sa pagbabayad. Pinal na ang lahat ng pagbabayad pagkatapos makumpleto maliban na lang kung iba ang iniaatas ng batas. Ang platform ng Binance P2P ay walang karapatan o obligasyon na lutasin ang anumang pagtatalo na magmumula sa isang nakumpletong pagbabayad. Hindi mananagot ang platform ng Binance P2P o ang mga merchant para sa iyong pagkalugi sa isang nakumpletong pagbabayad.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-04-01
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.