Ilulunsad ng Binance ang Programa para sa Pandaigdigang P2P Merchant
Binance
2020-08-28 05:50
Mga Kapwa Binancian,
Dahil nagsisikap kaming magbigay ng mas mahuhusay na serbisyo at liquidity para sa mga P2P user, naghahanap ngayon ang Binance ng mga P2P merchant sa buong mundo. Taos-puso naming inaanyayahan ang mga namumukod-tanging team na sumali sa Programa para sa Pandaigdigang P2P Merchant ng Binance.
Ano ang P2P merchant?
Ang platform ng Binance P2P ay isang platform ng pag-trade ng fiat currency na nakatuon sa user na inilunsad ng Binance. Kumikita ang mga merchant sa pamamagitan ng pag-post ng advertisement ng pag-trade ng fiat currency at pagkumpleto ng mga P2P trade. Magbibigay ang Binance ng propesyonal na suporta sa customer para sa mga P2P merchant.
Anong mga benepisyo ang natatanggap ng mga P2P merchant?
  • 0 bayad sa pag-post ng ad;
  • Idaragdag ang mga P2P na transaksyon sa kabuuang dami ng pag-trade sa spot para sa pagkalkula ng antas ng VIP ng mga user;
  • Eksklusibong suporta sa customer.
Paano ako makakapag-apply?
  • Para sa mga merchant na nakatira sa mga bansa sa Africa, gamitin ang link na ito
  • Para sa form ng aplikasyon na Russian, i-click ang link na ito
  • Para sa form ng aplikasyon na Spanish, i-click ang link na ito
  • Para sa form ng aplikasyon na Bahasa, i-click ang link na ito
  • Para sa form ng aplikasyon na Arabic, i-click ang link na ito
  • Para sa iba pa, gamitin ang link na ito para mag-apply at isumite ang iyong impormasyon.
Makikipag-ugnayan sa iyo ang team ng Binance sa loob ng ilang araw. Kung mayroon kang anumang tanong, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email: p2p@binance.com.
Tandaan: Nakalaan sa Binance ang karapatang gumawa ng mga pagbabago sa Programa para sa Pandaigdigang P2P Merchant ng Binance batay sa komprehensibong pagsusuri ng mga kondisyon sa merkado at iba pang kaugnay na mga salik.  
Disclaimer: Nasa sarili mong pananagutan ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng Binance P2P at lahat ng impormasyon at iba pang nilalaman (kasama na ang mula sa mga third party) na kasama sa o maa-access mula sa mga serbisyo ng Binance P2P. Ang responsibilidad lang namin ay ang pamahalaan ang iyong mga transaksyon ng crypto. Pinal na ang lahat ng pagbabayad pagkatapos makumpleto maliban na lang kung iba ang iniaatas ng batas. Ang platform ng Binance P2P ay walang mga karapatan o obligasyon na lutasin ang anumang pagtatalo na magmumula sa isang nakumpletong pagbabayad. Hindi mananagot ang platform ng Binance P2P o ang mga merchant para sa iyong pagkalugi sa isang nakumpletong pagbabayad.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
01/21/2021
 
Hanapin kami sa
Tandaan: 
Ang anunsyong ito ay na-update noong 04/28/2021 para ma-update ang link ng form ng aplikasyon.
Ang pahayag na ito ay na-update noong 06/16/2021 para isaad ang mga pagbabago sa mga benepisyo ng merchant.
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.