Mga Kapwa Binancian,
Ililista ng Binance ang Internet Computer (ICP) at bubuksan ang pag-trade para sa mga pares sa pag-trade na ICP/BTC, ICP/BNB, ICP/BUSD, at ICP/USDT sa sandaling matugunan ang mga kondisyon sa liquidity. Ang oras ng pagsisimula ng pag-trade ay iaanunsyo nang hiwalay. Puwede na ngayong magsimula ang mga user na magdeposito ng ICP bilang paghahanda sa pag-trade.
Ano ang Internet Computer (ICP)?
Ang Internet Computer (ICP) ay isang layer-1 na protocol na bumubuo ng isang desentralisadong pampublikong network para sa mga smart contract na tatakbo nang mas malawak. Nilalayon ng proyekto na maging internet computer, na nagbibigay ng functionality ng isang pampublikong internet, at pinapayagan ang backend software na ma-host sa network. Ang ICP ay ang katutubong utility token ng Internet Computer at gagamitin ito para sa pamamahala ng protocol at mga transaksyon sa network.
Tiyaking nagsasagawa ka ng sapat na pagsusuri sa panganib kapag nagte-trade ng mga bagong nakalistang token, dahil madalas silang napapailalim sa matinding pagbabago-bago ng presyo.
Bayad sa ICP Listing: 0 BNB.
Mga Detalye:
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-05-10
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Telegram: https://t.me/binanceexchange
Twitter: https://twitter.com/binance
Facebook: https://www.facebook.com/BinanceFilipino
Instagram: https://www.instagram.com/binance
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.