Abiso Tungkol sa Pagsasaayos ng K-line ng Coin-Margined ETCUSD Perpetual Contract

Binance
2021-05-11 03:41
Mga Kapwa Binancian,
Noong 2021-05-10 10:32 AM (UTC), naglagay ang isang user ng malaking bilang ng mga order sa loob ng isang napakaikling yugto ng panahon sa Coin-Margined ETCUSD Perpetual Contract, na nagresulta sa isang malaking candle wick hanggang sa 0.001 USD at paghaba ng tsart ng presyo ng K-line para sa lahat ng user ng futures.
Batay sa feedback ng komunidad at bilang pagsasaalang-alang din sa paglikha ng isang mas mahusay na karanasan sa pag-trade para sa mga user ng futures, gumawa ang Binance ng pagsasaayos sa tsart ng presyo ng K-line ng Coin-Margined ETCUSD Perpetual Contract noong 2021-05-10 11:05 PM (UTC).
Puwedeng ma-access ng mga user ang orihinal na data ng K-line sa pamamagitan ng API.
Mahalagang Paalala:
Dahil ginagamit ng Binance Futures ang mark price bilang isang sanggunian sa mga liquidation at pagkalkula ng unrealized PNL, ang 0.001 USD wick at iba pang matitinding paggalaw ng presyo sa panahong ito ay hindi naging sanhi ng anumang liquidation sa mga posisyon ng user.
Para hindi maulit ang insidenteng ito, gusto ng Binance na paalalahanan ang mga user na ganap na unawain ang disenyo at mekanismo ng pagbabago-bago ng presyo ng mga produkto ng Binance bago piliing mag-trade, para maiwasan ang anumang hindi inaasahang pagkalugi na puwedeng mangyari bilang resulta.
Babala sa Panganib: Ang futures trading ay nagdadala ng malaking panganib at posibilidad ng parehong makabuluhang kita at pagkalugi. Ang mga nakaraang nakamit na kita ay hindi nagpapahiwatig ng mga return sa hinaharap. Ang lahat ng iyong balanse sa margin ay puwedeng ma-liquidate kapag nagkaroon ng matinding paggalaw ng presyo. Ang impormasyon dito ay hindi dapat ituring bilang payo sa pananalapi o pamumuhunan mula sa Binance. Ang lahat ng diskarte sa pag-trade ay gagamitin batay sa iyong sariling paghuhusga at pananagutan. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang pagkaluging puwedeng mangyari dahil sa iyong paggamit ng Futures.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-05-10
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.