Mga Kapwa Binancian,
Susuportahan ng Binance ang programa ng airdrop ng Donnie Finance (DON) para sa mga may hawak ng IOST (IOST). Magaganap ang snapshot para sa airdrop sa unang block ng IOST network na nilikha pagkalipas ng 2021-02-25 08:00 AM (UTC).
- Sususpindihin ang mga pagdeposito at pag-withdraw ng IOST simula 2021-02-25 07:00 AM (UTC). Tandaan na hindi maaapektuhan ang pag-trade ng IOST sa panahon ng airdrop.
- Ang mga pagdeposito at pag-withdraw ay bubuksan ulit pagkatapos makumpleto ang snapshot.
- Kukuhanan namin ng snapshot ang mga IOST token na hawak ng mga user ng Binance sa oras sa itaas, at ipapamahagi ang mga DON token batay sa sumusunod na formula:
- Mga DON na na-claim ni user A = (Halaga ng IOST na hawak ni user A sa oras ng snapshot / Kabuuang halaga ng IOST na hawak ng palitan sa oras ng snapshot) * Kabuuang DON na na-airdrop sa Binance
Tandaan:
- Ang mga IOST token na nakabinbin ang pagdeposito o pag-withdraw sa oras ng snapshot ay hindi bibilangin sa iyong balanse sa IOST.
- Hindi kwalipikadong makatanggap ng airdrop ang mga may balanse sa IOST na mas mababa sa 1 IOST (kabilang ang nasa mga order ng pag-trade).
- Isasama sa mga snapshot ang mga balanse sa IOST sa mga Spot wallet, Margin, Savings, at mga Staking account, pero hindi kasama ang USDT-Margined Futures wallet. Hindi isasama ang mga hindi naipamahaging pagbabayad ng interes sa IOST.
- Ang IOST na hiniram mula sa mga Margin o Pautang sa Crypto, o IOST na inilipat sa mga Spot wallet mula sa mga account na ito ay hindi magiging kwalipikado para sa airdrop.
- Para sa pag-trade at paglilista ng DON sa Binance, dadaan ang DON sa parehong mahigpit na proseso ng pagsusuri sa paglilista na ginagawa ng Binance para sa anumang iba pang coin/token. Hindi ginagarantiyahan ng pagsuporta sa airdrop na ito ang pagkakalista ng DON. Hindi ginagarantiyahan ng Binance ang anumang paglilista alinsunod sa panloob naming patakaran.
- Ipapamahagi ng Binance ang mga DON token pagkatapos makumpleto ng proyekto ang pamamahagi ng DON token sa mga palitan. Magpo-post kami ng karagdagang anunsyo kapag nakumpleto na ang pamamahagi sa mga user ng Binance.
- Ang mula sa US na mga tao at entity at mga pinaghihigpitang bansa ay hindi kwalipikadong makatanggap ng airdrop na ito. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano isasagawa ang pag-airdrop ng mga DON token sa mga may hawak ng IOST, sumangguni sa:
- Magsasagawa ang Donnie Finance ng Korea ng Pag-airdrop ng 10% ng Supply ng Donnie Token sa Mga May Hawak ng IOST;
- Mga Update sa Airdrop ng Donnie Finance
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-02-24
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa
Telegram: https://t.me/binanceexchange
Twitter: https://twitter.com/binance
Facebook: https://www.facebook.com/BinanceFilipino
Instagram: https://www.instagram.com/binance