Idinagdag ng Binance ang COIN-Ⓜ Futures sa Programa ng Referral

Binance
2020-10-09 08:45
Mga Kapwa Binancian,
Simula sa 2020/07/21 00:00 AM UTC, makakakuha ang mga user ng referral bonus mula sa mga kaibigang inimbitahan nila sa Binance Futures na nagte-trade ng mga COIN-Ⓜ Futures contract.
Nangangahulugan ito na kapag nag-imbita ka ng iyong mga kaibigan sa Binance Futures, kikita ka na ng referral bonus mula sa bayarin sa pag-trade ng spot, USDT-Ⓜ perpetual futures, at COIN-Ⓜ futures (kabilang ang perpetual futures at quarterly futures).
Mga Detalye ng COIN-Ⓜ Futures Referral Bonus sa Mga Bayad sa Pag-trade:
Kinakailangan
Kumita Ka ng
Mga Diskwento ng Iyong Mga Kaibigan
< 500 BNB
10%
10%
≥ 500 BNB
20%
10%
Futures Affiliate
30%
10%
  • Ang lahat ng kaibigan na iimbitahan mo ay makakatanggap ng 10% diskwento sa bayarin sa pag-trade sa unang 30 araw bilang default.
  • Kung ang iyong pang-araw-araw na average na BNB na balanse sa account ay 500 BNB o higit pa, kikita ka ng 10% ng bayarin sa pag-trade ng iyong mga kaibigan bilang referral bonus.
  • Kung ang iyong pang-araw-araw na average na balanse na BNB sa account ay mas mababa sa 500 BNB, kikita ka ng 20% ng bayarin sa pag-trade ng iyong mga kaibigan bilang referral bonus.
  • Kumikita ang mga Binance Futures affiliate ng 30% ng bayarin sa pag-trade ng kanilang mga kaibigan bilang referral bonus.
Mga Tuntunin at Kondisyon:
  • Ang referral ng COIN-Ⓜ quarterly futures ay nagsimula noong 2020/07/21 00:00 AM UTC at ang COIN-Ⓜ perpetual futures ay nagsimula noong 2020/08/12 00:00 AM UTC.
  • Mga Panuntunan sa Pagkalkula ng Pang-araw-araw na average na BNB na Balanse
  • Ang lahat ng referral bonus (nakuha ng nag-imbita at ipinamahagi sa kanilang mga inimbitang kaibigan) ay kinakalkula nang real-time at inililipat sa kani-kanilang mga Binance Futures account bawat oras.
  • Ang asset ng settlement ng mga referral bonus ay magiging kapareho ng asset na ginamit para sa bayad.
  • Ang mga rate ng referral ay kinakalkula nang 0:00 AM araw-araw, at naa-update tuwing 1:00 AM (UTC)
  • Tatagal ang 10% diskwento na ibinahagi ng nag-imbita nang 30 araw mula sa petsa ng pag-activate ng Futures account.
  • Laging tandaan na kwalipikado ka lang na makatanggap ng referral bonus mula sa mga ni-refer mong kaibigan na VIP 1 o mas mababa. Kapag umabot na sa VIP level 2 o higit pa ang isang kaibigang inimbita mo, titigil ang pagtanggap mo ng referral bonus mula sa kaibigang iyon.
  • Ang referral bonus na natanggap mo para sa bawat ni-refer na user ay tatagal nang 12 buwan mula sa kani-kanilang petsa ng pagrehistro, pagkatapos ay mag-e-expire ito.
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang pahabain, sa sarili nitong pagpapasya, ang tagal ng panahon bago mag-expire ang mga ni-refer na user
  • Ang bayad sa liquidation ay hindi kasali at hindi mailalapat sa programa ng referral sa Binance Futures.
  • Walang limitasyon sa bilang ng mga kaibigan na puwedeng imbitahan gamit ang iisang account.
  • Kung ang pang-araw-araw na average na BNB na balanse ng nag-imbita ay bumaba sa 500 BNB, ang rate ng kanilang referral bonus ay bababa sa 10% mula sa 20%.
  • Ang mga referral bonus at diskwento ng mga inimbita ay mailalapat sa bayarin sa pag-trade ng COIN-Ⓜ futures sa pangunahing account ng inimbita at lahat ng sub-account nito.
  • Puwedeng baguhin ng Binance ang pagkakaparte-parte ng mga referral bonus kahit kailan at nakalaan dito ang karapatang baguhin ang mga panuntunan ng programa ng referral.
  • Hindi pinapayagan ng Binance ang sinumang user na imbitahan ang sarili gamit ang iba't ibang account. Kapag may nadiskubre kaming ganitong aktibidad, makakansela ang lahat ng referral gayundin ang lahat ng referral bonus at kickback para sa mga account ng inimbita.
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang tanggalin at/o kanselahin ang mga referral bonus ng mga user na matutukoy na gumagamit ng mga custom na code ng referral na nakakapanakit, nakakapanlinlang, at/o mapaminsala.
  • Karagdagang patnubay sa pagkansela ng mga referral
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang baguhin ang mga tuntunin ng programa ng referral ng futures anumang oras dahil sa nagbabagong kondisyon ng merkado, panganib ng panloloko, at anumang iba pang factor na itinuturing naming may kaugnayan.
Babala sa panganib: Ang pagbili, pagbebenta, paghawak, at pakikibahagi sa futures trading ng mga cryptocurrency ay mga aktibidad na napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Ang pabago-bago at mahirap hulaang katangian ng presyo ng mga cryptocurrency ay puwedeng mauwi sa napakalaking pagkalugi. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang pagkalugi na posible mong maranasan dahil sa pagbabago-bago ng presyo kapag bumili, nagbenta, humawak, at nag-leverage ka ng mga cryptocurrency.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2020/07/21
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa